Wednesday, December 26, 2007

...the Star City Adventure...

...december 23, 2007...

...after gumawa ng kabutihan sa iba, sa sarili naman...para FAIR...(^_^)
...ayaw ko pa sana sumama, although me pera na ako na hiniram ko sa mama ko na me nakakalulang tubo, siguro kasi endi pa tuyo yung damit na balak kong suutin...hehehe...kaya ayun, sinusundo na ako nila Karen at Tinay (friendship ko since elementary) para sa lakad namin sa Star City kasama sila Ryan Jay, Rex at Rusty (mga tropapipz namin nung highschool)...ayun, akala ko pag nakita nila ako endi pa naliligo eh endi na nila ako isasama, syempre endi sila pumayag...ako naman, kulang lang pala sa pilit at pangongunsensiya..hahaha....
...natuloy din kami, inintay nila ako ng more than 30 minutes..pa-important! Nag-LRT kami para mas mabilis, tapos sa may Vito Cruz station kami bumaba, tas nag-sakay kami ng sasakyan na ewan ko kung jeep or what, basta papunta sya star city. Habang nakasakay na kami at umaandar na, tinanong ako ni Karen if iikot daw ba yun, ako naman nagmagaling kaya ayun endi naman pala...naglakad tuloy kami..wahahaha..pero ok lang, atleast maaga kami napagod...
...pagdating namin, syempre wala pa yung mga kasama namin...kaya nanguna na kami bumili ng ticket at pumasok sa loob. Yung ride all you can na 300 pesos yung binili namin. Ibig sabihin nung pwede naming sakyan lahat pwere lang yung Ice World chuva at Dino Island...kasi pag kasama yun 450 pesos ang bayad...ok na din sabi ni Karen kasi maginaw daw dun eh...

...second time ko yun sa Star City kaya excited pa din ako, yung una kasi nung 4th year college ako, tas yung binayaran lang namin nun eh entrance...gamit namin na ticket yung pinamimigay sa may SM manila, yung free 5 rides ata...ay mali, endi ata second time, ah basta ang mahalaga endi yun ang una kong punta dun...

...ang una namin sinakyan eh yung Little Mermaid, exciting noh?...medyo napagod kami sa paglalakad kaya nag-relax muna kami sa kweba ni Ariel...wala lang, umikot ikot lang kame sakay ng bangka sa saliw ng kanyang kantang Part of your World...ayun..ok naman for a first ride...hehehe






...sunod namin sinakyan Viking...hehehe...tapang-tapangan ako syempre...grabe, feeling ko naiiwan yung kaluluwa ko sa rides na yun...kaso endi naman ako makaangal, nga pala kasama na namin yung tatlong pasaway. Grabe na shock ako sa buhok ni Ryan Jay, kulay red...harhar...






...after nun, feeling ko andun pa din kaluluwa ko, pero syempre dapat poise pa din...ang mga pasaway, gusto isunod eh yung Gabi ng Lagim. Pucha, ayoko talaga sa ganun, pero kesa masabihan na kj, edi go, kaso nasa gitna ako ni Karen at Tinay. Nakapikit lang din ako habang naglalakad...ayoko talaga dun...


...sunod naman na gusto nila eh yung bagong rides na Star Flyer, grabe, nakakamatay yun...hahaha..yung yung pinakamatindi dun eh, yung tipong babaliktad ka talaga. Kaya nung pumipila na kami at nakita ko yung rides, tinanong ko sila kung ok lang ba if endi muna ako sumama dun...ok naman daw kaya takbo ako paalis sa pila.



...after nila dun kumain na kami, syempre libre ni Ryan jay,thanks jay. Para bumaba kinain namin nanood kami ng Ballet Philippines, Paskong Pinoy sa Star Theater. Astig! After ko manood parang gusto ko ng maging ballerina. Gusto ko na mag-suot ng mga sexy nilang damit at type kong makadaupang-palad ang mga boys...hmmm...hehehehe




...kulang lang pala ako sa pagkain eh, kasi after nun malakas na loob ko sakyan lahat ng rides pwera lang ang pumasok sa Dungeon...




...sinakyan din namin yung Blizzard, pucha sakit ng katawan namin after, dapat dun eh kinikilo na at binebenta na sa bote bakal eh. Pero ok pa naman, exciting pa din if gusto mo ng feeling na mamamatay ka na...hahaha









...sunod syempre ang Flying carpet. Katabi ko dito si Tinay, grabe ayaw nya tumili...hehehe..pero ok din, andun na naman yung feeling na naiiwan ang kaluluwa, feeling ko din naiwan na din bituka ko.










...endi pa din nauubos energy namin, kaya sumakay kami kagad ng Surf dance, sa haba ng pila
makakapagpahinga ka na. Sabi ni Karen, kung ayaw ko daw malula wag daw ako pupwesto sa gilid at sa dulo. Pero syempre swerte ako nun kaya pangalawa sa dulo ako at nasa gilid. Ang saya! Nagkahiwalay kami, sila Karen at Tinay nasa unahan, yung tatlong boys, ewan ko. Katabi ko, magto-tropa din, inggit pa nga ako nung una eh, kasi magkakahawak kamay pa sila. Tas feeling ko ang tapang nung nasa tabi ko. Tapos ayun, umandar na. Ansaya, feeling ko gusto na ako ilaglag...higpit ng kapit ko...sumisigaw din ako syempre...mayamaya yung katabi ko nagmumura na at nagsasabi ng ending endi na sya sasakay ulit dun...yung katabi naman nila Karen gusto na daw sumuka...Ang Saya talaga!!!

...in fairness, bumaba naman kami dun ng endi nasusukahan, pero masaya talaga sya. Naisip ko nga ang tao talaga para lang maging masaya, gustong-gustong i-torture ang sarili...hehehe...

...Last namin sinakyan eh yung Star Flyer, lakas na nga ng loob ko eh, haba din ng pila pero ok lang. Iniisip ko kasi baka pag nag-kwento ako sa iba na hindi ko sinakyan yun eh sabihin ang kj ko...hehehe...kaya ayun, another torture. 56 seconds lang naman sya eh...pero pucha sa buong duration nung ride eh nakapikit ako. Walang panama ang Zykloon Loop dun. Astig! Pero mag-iisip na ako sa susunod kung sasakay pa ako ulit dun...hehehe...

...masaya naman ang naging lakad namin, exciting at sobrang saya! Balak namin gawin na din yearly, pero sana sa iba namang lugar...hehehe..next...Enchanted Kingdom??? or Disney Land??? (^_^)

2 comments:

Chyng said...

gusto ko dn itry ang star flyer!

mOtmOt said...

go chyng...masaya naman eh...ambilis lang din..52 seconds lang ang isang ride...matagal pa ang ipipila...wahehehe