Wednesday, December 26, 2007

...the Star City Adventure...

...december 23, 2007...

...after gumawa ng kabutihan sa iba, sa sarili naman...para FAIR...(^_^)
...ayaw ko pa sana sumama, although me pera na ako na hiniram ko sa mama ko na me nakakalulang tubo, siguro kasi endi pa tuyo yung damit na balak kong suutin...hehehe...kaya ayun, sinusundo na ako nila Karen at Tinay (friendship ko since elementary) para sa lakad namin sa Star City kasama sila Ryan Jay, Rex at Rusty (mga tropapipz namin nung highschool)...ayun, akala ko pag nakita nila ako endi pa naliligo eh endi na nila ako isasama, syempre endi sila pumayag...ako naman, kulang lang pala sa pilit at pangongunsensiya..hahaha....
...natuloy din kami, inintay nila ako ng more than 30 minutes..pa-important! Nag-LRT kami para mas mabilis, tapos sa may Vito Cruz station kami bumaba, tas nag-sakay kami ng sasakyan na ewan ko kung jeep or what, basta papunta sya star city. Habang nakasakay na kami at umaandar na, tinanong ako ni Karen if iikot daw ba yun, ako naman nagmagaling kaya ayun endi naman pala...naglakad tuloy kami..wahahaha..pero ok lang, atleast maaga kami napagod...
...pagdating namin, syempre wala pa yung mga kasama namin...kaya nanguna na kami bumili ng ticket at pumasok sa loob. Yung ride all you can na 300 pesos yung binili namin. Ibig sabihin nung pwede naming sakyan lahat pwere lang yung Ice World chuva at Dino Island...kasi pag kasama yun 450 pesos ang bayad...ok na din sabi ni Karen kasi maginaw daw dun eh...

...second time ko yun sa Star City kaya excited pa din ako, yung una kasi nung 4th year college ako, tas yung binayaran lang namin nun eh entrance...gamit namin na ticket yung pinamimigay sa may SM manila, yung free 5 rides ata...ay mali, endi ata second time, ah basta ang mahalaga endi yun ang una kong punta dun...

...ang una namin sinakyan eh yung Little Mermaid, exciting noh?...medyo napagod kami sa paglalakad kaya nag-relax muna kami sa kweba ni Ariel...wala lang, umikot ikot lang kame sakay ng bangka sa saliw ng kanyang kantang Part of your World...ayun..ok naman for a first ride...hehehe






...sunod namin sinakyan Viking...hehehe...tapang-tapangan ako syempre...grabe, feeling ko naiiwan yung kaluluwa ko sa rides na yun...kaso endi naman ako makaangal, nga pala kasama na namin yung tatlong pasaway. Grabe na shock ako sa buhok ni Ryan Jay, kulay red...harhar...






...after nun, feeling ko andun pa din kaluluwa ko, pero syempre dapat poise pa din...ang mga pasaway, gusto isunod eh yung Gabi ng Lagim. Pucha, ayoko talaga sa ganun, pero kesa masabihan na kj, edi go, kaso nasa gitna ako ni Karen at Tinay. Nakapikit lang din ako habang naglalakad...ayoko talaga dun...


...sunod naman na gusto nila eh yung bagong rides na Star Flyer, grabe, nakakamatay yun...hahaha..yung yung pinakamatindi dun eh, yung tipong babaliktad ka talaga. Kaya nung pumipila na kami at nakita ko yung rides, tinanong ko sila kung ok lang ba if endi muna ako sumama dun...ok naman daw kaya takbo ako paalis sa pila.



...after nila dun kumain na kami, syempre libre ni Ryan jay,thanks jay. Para bumaba kinain namin nanood kami ng Ballet Philippines, Paskong Pinoy sa Star Theater. Astig! After ko manood parang gusto ko ng maging ballerina. Gusto ko na mag-suot ng mga sexy nilang damit at type kong makadaupang-palad ang mga boys...hmmm...hehehehe




...kulang lang pala ako sa pagkain eh, kasi after nun malakas na loob ko sakyan lahat ng rides pwera lang ang pumasok sa Dungeon...




...sinakyan din namin yung Blizzard, pucha sakit ng katawan namin after, dapat dun eh kinikilo na at binebenta na sa bote bakal eh. Pero ok pa naman, exciting pa din if gusto mo ng feeling na mamamatay ka na...hahaha









...sunod syempre ang Flying carpet. Katabi ko dito si Tinay, grabe ayaw nya tumili...hehehe..pero ok din, andun na naman yung feeling na naiiwan ang kaluluwa, feeling ko din naiwan na din bituka ko.










...endi pa din nauubos energy namin, kaya sumakay kami kagad ng Surf dance, sa haba ng pila
makakapagpahinga ka na. Sabi ni Karen, kung ayaw ko daw malula wag daw ako pupwesto sa gilid at sa dulo. Pero syempre swerte ako nun kaya pangalawa sa dulo ako at nasa gilid. Ang saya! Nagkahiwalay kami, sila Karen at Tinay nasa unahan, yung tatlong boys, ewan ko. Katabi ko, magto-tropa din, inggit pa nga ako nung una eh, kasi magkakahawak kamay pa sila. Tas feeling ko ang tapang nung nasa tabi ko. Tapos ayun, umandar na. Ansaya, feeling ko gusto na ako ilaglag...higpit ng kapit ko...sumisigaw din ako syempre...mayamaya yung katabi ko nagmumura na at nagsasabi ng ending endi na sya sasakay ulit dun...yung katabi naman nila Karen gusto na daw sumuka...Ang Saya talaga!!!

...in fairness, bumaba naman kami dun ng endi nasusukahan, pero masaya talaga sya. Naisip ko nga ang tao talaga para lang maging masaya, gustong-gustong i-torture ang sarili...hehehe...

...Last namin sinakyan eh yung Star Flyer, lakas na nga ng loob ko eh, haba din ng pila pero ok lang. Iniisip ko kasi baka pag nag-kwento ako sa iba na hindi ko sinakyan yun eh sabihin ang kj ko...hehehe...kaya ayun, another torture. 56 seconds lang naman sya eh...pero pucha sa buong duration nung ride eh nakapikit ako. Walang panama ang Zykloon Loop dun. Astig! Pero mag-iisip na ako sa susunod kung sasakay pa ako ulit dun...hehehe...

...masaya naman ang naging lakad namin, exciting at sobrang saya! Balak namin gawin na din yearly, pero sana sa iba namang lugar...hehehe..next...Enchanted Kingdom??? or Disney Land??? (^_^)

Tuesday, December 25, 2007

...Ang Tunay na Diwa ng Pasko...The CSD Gift Giving 2007...

Ano nga ba ang tunay na diwa ng pasko??? Lumalamig pa lang ang simoy ng hangin, dumadami na ang batang palaboy sa kalasada, sumisikip na si Divisoria, dumadami na ang mga makukulay na parol, at paulit-ulit mo ng maririnig ang mga awiting pamasko ay alam mo nang malapit na naman ang kapaskuhan, ngunit ano nga ba ang tunay na diwa ng pasko???

Nung bata pa ako, sobrang excited na ako sa pagdating ng pasko, kasi ibig sabihin nun ay madaming pagkain, bagong damit at maraming pera..hahaha...ganun naman talaga diba? Pero ngayong malaki na ako (yeah, endi pala ako lumaki if height ang usapan..), well nagkaisip pala...iba na ang magiging pananaw mo sa mga bagay bagay, magiging mapanuri ka na sa mga nasa paligid mo, malalaman mo na hindi lahat ng tao ay nakakapag-celebrate ng kagaya mo. Maiisip mo kung ano ang pwede mong gawin para kahit papano ay maramdaman din nila ang Pasko.
christmas tree ng PLM

Buti na lang ma-epal ako nung college, pero actually endi ko pa din alam kung pano ko nalaman eh, basta ang natatandaan ko lang eh pinagdadala kami ng mga de-lata at noodles nung last year, ako naman nagdala, nadaya pa nga ako nung tindera eh, ang mahal ng benta sa pansit canton. Tapos ayun na, basta nalaman ko na lang na me gift giving ang department namin, endi required pero nagpunta ako, kasi curious ako eh. Buti na lang, kasi yun na pala ang magiging simula ng isang panata...

December 22, 2007 (Saturday) - Caroling na, Gift Giving Pa!
...maaga kami gumising ni grace, kasi kailangang namin makarating sa Quirino ng 8am, kaso need pa namin dumaan sa bahay namin kasi endi pa ako naliligo eh, so habang bitbit namin ang tatlong paper bag na may laman na mga lumang damit na dinelihinsya ko sa mga officemate ko at ke grace, nilakad namin ang sementeryo para lang makasakay at makauwi sa bahay namin,.hehe..sobrang madali kami kasi baka magalit si Ma'am Ocampo, baka sabihin nya wala kami natutunan sa mga call time dati..hahaha...ayun, nakarating kami ng 8:30. Wala na sila dun, so buti na lang sinabi sa amin na nasa PLM na daw sila, so dun na kami dumeretso. Ayun, endi nman pala galit si Ma'am, hehehe...yung mga dinala namin na mga damit at konting cash eh binigay na namin,..umabot ng 125 bags ang nabalot na mga groceries at mga damit, doble nung nakaraang taon...at in fairnes, me mga handa ng pangaroling ang mga kasama ngayon, me mga music instrument na din, endi na magagasgas mga kamay sa kakapalakpak. At higit sa lahat me sasakyan na na magdadala nung mga bags..hehehe...sobrang improvements.

First stop namin is sa may Malate, then sa may Luneta at sa malapit sa Manila Zoo. Grabe, buti na lang madami kami nabalot ngayon kasi parang mas dumami mga in need sa kamaynilaan.
Nakakatuwang isipin na kahit hindi ganun kagaganda boses namin eh natutuwa pa din sila sa mga kanta namin. Pag nilalapitan namin sila, sinasabi namin na kakantahan namin sila ng mga christmas songs at sana eh pakinggan lang nila kami. Merong iba na pumapayag pero merong iba na ang akala eh naghihintay kami ng pera na iaabot nila. Parang gusto nila sabihin na bakit sila pa ang pangangarolingan namin eh nasa kalasada nga sila diba. Pero ayun, mga mga tao pa din na gusto pa din kami pagbigyan sa passion naming kumanta at dahil dun me reward sila...hehehe...


...kainitan ng araw pero parang balewala yun sa lahat, sige kami sa pagsuyod sa mga lugar na alam namin na merong mga taong nangangailangan ng aming magandang boses..hehe...although mahirap sya, masaya pa din. Dinadaan na lang namin sa mga patawa at kung anu-anong bagay.

...sa aming paglalakbay, ibat-ibang klase ng mga tao ang mga nahahanap namin, pero lahat sila iisa ang kalagayan, nakatira sila sa kalsada, walang permanenteng lugar na masisilungan, walang matitinong damit, at hindi alam kung saan ukunin ang ilalaman sa kanilang tiyan.

...sana kahit papano, nadulutana namin sila ng saya, hindi lang dahil sa minsan wala sa tono naming pagkanta pero sa kadahilanang minsan sa isang taon ay me mga taong kahit papaano ay nakakaalala sa kanila.
...kahit minsan lang maranasan nila ang tunay na diwa ng Pasko, at iyon ay ang pagbibigay ng walang hinihingin kapalit at ang taos sa pusong pagmamahal sa ating kapwa...
...sa experience na to, mare-realize mo kung ganu ka ka-bless. Mararamdaman mo din dito ang fulfillment na kahit sa maliliit na paraan eh nakakatulong ka sa mga taong higit ang pangangailangan sayo...






...next year, mangungulit ulit ako ng mga officemate para sa mga lumang damit, tapos uulitin ko ulit ang pangangaroling kahit wala sa tono at higit sa lahat, uulitin ko ulit ang magparamdam ng tunay na diwa ng pasko...




Wednesday, December 5, 2007

...Mr. Magorium's Wonder Emporium...fwerst tym again...(",)

...December 1, 2007 (Saturday)...

Grabe...endi ko makakalimutan ang araw na toh...dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakipag-EB ako...as in eye ball...hehehe...the guy is Lew, friend sya ni Mia na ka-barkada ko naman...bali si Mia ang nagpakilala sa min...ayun, nakaka-text at nakaka-chat ko sya...tas ayun inaya nya ako lumabas, ako naman pumayag.


Dapat talaga kasama si Mia dito tsaka ang date nya sana kaso ba naman nung gabi ng Friday nag-text sya sa kin na endi na sya makakasama...grabe..sobra kinabahan ako...kung anu-ano naisip ko...baka kasi ma-bore lang yung kakatagpuin ko...pero syempre, tinuloy ka pa din...inisip ko na lang, parang defence lang toh...hehehehe....




Ayala Station (Akala ko maliligaw na naman ako...*sigh )

Ayun...edi nung Sabado na, nagkita kami ng 10am sa ayala station...endi ako sure kung late sya o napaaga ako...nung magkita na kami...grabe kabado ako...ano kaya sasabihin ko, matutuwa kaya sya itsura ko...mga ganung questions ba...tapos ayun na...nagkita na kami...in fairness, ok naman sya...


Nagpunta kami sa Glorietta, yun naman kasi pinakamalapit na mall dun eh...sabi ko gusto ko makita yung sumabog na Glorietta 2...hehehe...adik diba...ayun...paikot-ikot kami habang nagkukwentuhan hanggang sa makapunta din kami sa pupuntahan namin...wala naman ganu ako napansin...expected ko nga me mga something pa akong makikita eh...kaso wala...hehehehe....






Glorietta Mall



Tapos, siguro napagod na sya maglakad, ayun inaya nya ako nood sine...pumayag naman ako kasi libre eh...harhar...pinanood namin yung Mr. Magorium's Wonder Emporium. Medyo pambata yung movie pero ok pa din..hehehe...while watching, naisisingit namin pagkukwentuhan...







After nung movie, nagkwentuhan ulit kami...kung anu-ano na nga napag-usapan namin eh...mula ata nung bata ako hanggang ke trillanes napag-usapan namin...

Siguro quarter to 4 nung matapos ang date namin...hehehe...

Ok na sana yung date eh...kaso nagutom sya eh...ewan ko ba, endi ako nagutom kaya kahit nag-aaya sya kumain sabi ko wag muna...ayun hanggang sa nakalimutan ko na...harhar...


Ang aking paglalakwatsa ay endi natapos nung araw na yun...dahil maaga pa para sa akin..tinext ko yung friend kong si Judith...ayun nagkita din kami...tapos endi kami nakuntento sa metropoint kaya nag-MOA kami....hehehe...tapos binili nya ako ng teddy bear, gift nya sa kin..harhar...






...backstabberz...One More Chance...^_^

...nung November 24, 2007 natuloy din ang gimik ng barkada...*sigh...matapos ang pag-cha-chat sa e-mail, nairaos din sya sa wakas...harhar...

...the main objective of this gathering ay ang magkasama-sama ang barkada after ng madaming mga months although sa kin lang toh applicable kasi sila madalas naman magkita-kita sa makati eh, taga-eastwood ako kaya outsider ako...huhuhu...pero syempre ang PINAKA event eh ang manood ng One More Chance....



...this event was suggested by Grace, magkita-kita daw ang barkada para manood ng sine, pero ang papanoodin ay movie ni Bea at John Lloyd na One More Chance, syempre madami ang violent reaction, syempre isa na ako dun...wahehehe...pero matibay ang paninindigan nila Grace at Glaiza (...me pinangako din si Glai sa akin na malaking bucket ng popcorn...) kya napapayag ang lahat na manood nito...

...although me sure na akong malaking bucket ng popcorn eh hindi pa din ako gaano agree na manood pero buhay nga naman...nauna pa akong makapanood, first day of showing pa lang eh napanood ko na...tsk...but in fairness...ang ganda pala nung movie...hehehe...Number One!!!




...ang unang location ng event na ito ay sa SM Manila, kaso endit pabor ke Grace kasi after me pasok pa sya, so nilipat sya sa Robinson Place manila, syempre umuo lang ako. Sabi ko bahala na...makakarating at makakarating naman ako dun. Syempre bago ako pumunta eh nagtanong muna ako ke Grasya pano pumunta dun...hehehe...akala ko ok na, pero syempre lagi naman eh...muntik na naman ako maligaw! Pero dahil isa ako sa mga pinaka-lucky na tao sa mundo, nakarating pa din ako...hehehe...





...the Movie...



...this movie is about Popoy and Basha...grabe...endi ako fan ng mga tagalog movies pero this one is an excemption...kaka-inlove si Loydie..hehehe...


...the Quotes...

...i want to stop wondering "what if", i want to know "what is"...- Basha

...you had me at my best, she had me at my worst and you chose to break my heart...-Popoy







...after the Movie...

...nag-videoke kami...si Paolo bangag lang...ayaw pakantahin yung iba, gusto nya sya lang...hehehe...tapos ng videoke, ayaw pa namin umuwi kaya nag comedy bar kami. Punta kami malate, naghanap ng bar na mura...hehehe..nakahanap kami..endi ko na tanda yung name eh..basta performer nung gabing yun si Boobita, kapatid ata ni Ethel booba. In fairness, ok naman yung food nila. Ayun...me inuman, pero endi ako nalasing kasi puro yelo yung baso ko eh...hehehe...ansaya nung gabing yun kasi mga pinagkukwento nila mga trabaho nila eh...tsaka mga hinagpis ni Ice sa boyfriend nya...hehehe...me tumatawag daw kasi kay Gadong na Jampong...hahahaha..endi pansin ni Ice na sa kanya ko na sinasalin yung beer ko...hehehehe...


...after nun...syempre uwian na...me balak ulit na magkita-kita..syempre balak pa lang...pedeng matuloy at pwedeng hindi...hehehe...

Tuesday, December 4, 2007

...fwerst tym...

Dapat kahapon pa ito eh, kaso epal tong pc ko,trendph kasi eh...hehehe. Anyways, this is my first time to create this, kaya nga un ang title ko eh.(--,)
...nung una, isip ako ng isip kung ano ba dapat ang ilagay ko dito at naisip ko na tutal pede naman kahit ano dito kaya me naisip na akong ilagay! (Ano daw?)

...dahil kadalasan..ay madalas pala na peticks ako, bigla na lang pumasok sa isip ko yung mga cartoons na pinapanood ko nung nasa elementary, high school at college ako...hehehe...yung tipong aabesent para lang mapanood ang ending. One time pa nga nung high school ako, naparusahan ako ni S4 Apple Gonzales, (hi Pol, miss you!) kasi endi ako pumasok sa pangumaga kong klase eh. Tinanong nya ko bat ako absent, sinagot ko naman, sabi ko "nanood po ako ng Judie Abbot". Ayun pinag-pumpings ako..tsk. Dahil din ke Maria at ang pamilya Von Trapp kaya bumaba ang grade ko sa Science nung first year high school ako..hehehe..

...naaalala nyu ba yung mga nabanggit ko? Cge ipapaalala ko senyo...tapos maaalala din ninyo mga ginawa nung kalokohan nun...wahehehe... (",)

...mga cartoons noon...



1. Ang Mahiwagang Kuwintas
-naaalala nyu ba toh? ito yung about ke Nadia at John. Me barkong Nautilus, tapos andito din si Kapitan Nemo na tatay pala ni Nadia.






2. BT'X

- ito naman, tungkol to sa isang parang cyborg na parang robot na si X na nagising dahil sa dugo ni TP. nandito din si Fou na me robot/cyborg na Phoenix, endi ko matandaan yung name eh. Basta maganda toh, crush na crush ko dito si Fou..hehehe...








3. Wedding Peach

- tungkol ito sa tatlong angel of love, sina wedding peach, angel lily at angel daisy, me isa pang angel eh, kaso medyo late na sya dumating, si angel Salvia. Parang sailormoon toh, ku-cute mga karakter, ampu-puge ng mga lalake dito..hehehe




4. Akazukin Cha Cha

-si Cha Cha ang bida dito, kasama nya si Shiine at Riiya na nagiging lobo. Andito din si Seravi at loves nyang si Dorothy. Kakatuwa toh, kasi lumalaki yung batang si Cha cha sa isang magandang dalaga kapag klangan na nyang lumaban. Crush ko dito si Seravi.. 






5. Heidi

- si Heidi na nakatira sa bundok Alps kasama si lolo Alps..hehehe...kakatuwa toh, na-inspire akong lutuin sa kalan yung keso kasi kala ko matutunaw tulad ng ginagawa nila Heidi...hehehe




6. Tico
- tungkol ke Tico na isang killer whale at ke Nanami. Ang natatandaan ko ditto hinahanap nila ang kumikinang na balyena or something. Sa dulo namatay dito si Tico sa panganganak ke Jr.








7. The Three Musketters

- si D'Artagnan, Athos, Porthos at Aramis. Kakatuwa din toh..hehehe








8. Si Maria at ang Pamilya Von Trapp

- ang favorite ko sa lahat..hehehe...kakainlove yung lovestory nila ni Kapitan Von Trapp. Laki ng age gap nila pero masaya pa din...hehehe..


9. Peter Pan


- si Peter Pan, si Wendy at iba pa. Sa neverland sila nakatira, tapos nakakalipad...hehehe..fave ko din toh..kakatuwa kasi tong version na toh...




....yan yung mga naalala ko…hehehe…sarap balikan...ahhhh...the memories... 