Tuesday, December 4, 2007

...fwerst tym...

Dapat kahapon pa ito eh, kaso epal tong pc ko,trendph kasi eh...hehehe. Anyways, this is my first time to create this, kaya nga un ang title ko eh.(--,)
...nung una, isip ako ng isip kung ano ba dapat ang ilagay ko dito at naisip ko na tutal pede naman kahit ano dito kaya me naisip na akong ilagay! (Ano daw?)

...dahil kadalasan..ay madalas pala na peticks ako, bigla na lang pumasok sa isip ko yung mga cartoons na pinapanood ko nung nasa elementary, high school at college ako...hehehe...yung tipong aabesent para lang mapanood ang ending. One time pa nga nung high school ako, naparusahan ako ni S4 Apple Gonzales, (hi Pol, miss you!) kasi endi ako pumasok sa pangumaga kong klase eh. Tinanong nya ko bat ako absent, sinagot ko naman, sabi ko "nanood po ako ng Judie Abbot". Ayun pinag-pumpings ako..tsk. Dahil din ke Maria at ang pamilya Von Trapp kaya bumaba ang grade ko sa Science nung first year high school ako..hehehe..

...naaalala nyu ba yung mga nabanggit ko? Cge ipapaalala ko senyo...tapos maaalala din ninyo mga ginawa nung kalokohan nun...wahehehe... (",)

...mga cartoons noon...



1. Ang Mahiwagang Kuwintas
-naaalala nyu ba toh? ito yung about ke Nadia at John. Me barkong Nautilus, tapos andito din si Kapitan Nemo na tatay pala ni Nadia.






2. BT'X

- ito naman, tungkol to sa isang parang cyborg na parang robot na si X na nagising dahil sa dugo ni TP. nandito din si Fou na me robot/cyborg na Phoenix, endi ko matandaan yung name eh. Basta maganda toh, crush na crush ko dito si Fou..hehehe...








3. Wedding Peach

- tungkol ito sa tatlong angel of love, sina wedding peach, angel lily at angel daisy, me isa pang angel eh, kaso medyo late na sya dumating, si angel Salvia. Parang sailormoon toh, ku-cute mga karakter, ampu-puge ng mga lalake dito..hehehe




4. Akazukin Cha Cha

-si Cha Cha ang bida dito, kasama nya si Shiine at Riiya na nagiging lobo. Andito din si Seravi at loves nyang si Dorothy. Kakatuwa toh, kasi lumalaki yung batang si Cha cha sa isang magandang dalaga kapag klangan na nyang lumaban. Crush ko dito si Seravi.. 






5. Heidi

- si Heidi na nakatira sa bundok Alps kasama si lolo Alps..hehehe...kakatuwa toh, na-inspire akong lutuin sa kalan yung keso kasi kala ko matutunaw tulad ng ginagawa nila Heidi...hehehe




6. Tico
- tungkol ke Tico na isang killer whale at ke Nanami. Ang natatandaan ko ditto hinahanap nila ang kumikinang na balyena or something. Sa dulo namatay dito si Tico sa panganganak ke Jr.








7. The Three Musketters

- si D'Artagnan, Athos, Porthos at Aramis. Kakatuwa din toh..hehehe








8. Si Maria at ang Pamilya Von Trapp

- ang favorite ko sa lahat..hehehe...kakainlove yung lovestory nila ni Kapitan Von Trapp. Laki ng age gap nila pero masaya pa din...hehehe..


9. Peter Pan


- si Peter Pan, si Wendy at iba pa. Sa neverland sila nakatira, tapos nakakalipad...hehehe..fave ko din toh..kakatuwa kasi tong version na toh...




....yan yung mga naalala ko…hehehe…sarap balikan...ahhhh...the memories... 

1 comment:

Chyng said...

keep it up! nakapatay ng oras ang mgBLOG!
(--,)