Nung bata pa ako, sobrang excited na ako sa pagdating ng pasko, kasi ibig sabihin nun ay madaming pagkain, bagong damit at maraming pera..hahaha...ganun naman talaga diba? Pero ngayong malaki na ako (yeah, endi pala ako lumaki if height ang usapan..), well nagkaisip pala...iba na ang magiging pananaw mo sa mga bagay bagay, magiging mapanuri ka na sa mga nasa paligid mo, malalaman mo na hindi lahat ng tao ay nakakapag-celebrate ng kagaya mo. Maiisip mo kung ano ang pwede mong gawin para kahit papano ay maramdaman din nila ang Pasko.
christmas tree ng PLM
Buti na lang ma-epal ako nung college, pero actually endi ko pa din alam kung pano ko nalaman eh, basta ang natatandaan ko lang eh pinagdadala kami ng mga de-lata at noodles nung last year, ako naman nagdala, nadaya pa nga ako nung tindera eh, ang mahal ng benta sa pansit canton. Tapos ayun na, basta nalaman ko na lang na me gift giving ang department namin, endi required pero nagpunta ako, kasi curious ako eh. Buti na lang, kasi yun na pala ang magiging simula ng isang panata...
December 22, 2007 (Saturday) - Caroling na, Gift Giving Pa!
...maaga kami gumising ni grace, kasi kailangang namin makarating sa Quirino ng 8am, kaso need pa namin dumaan sa bahay namin kasi endi pa ako naliligo eh, so habang bitbit namin ang tatlong paper bag na may laman na mga lumang damit na dinelihinsya ko sa mga officemate ko at ke grace, nilakad namin ang sementeryo para lang makasakay at makauwi sa bahay namin,.hehe..sobrang madali kami kasi baka magalit si Ma'am Ocampo, baka sabihin nya wala kami natutunan sa mga call time dati..hahaha...ayun, nakarating kami ng 8:30. Wala na sila dun, so buti na lang sinabi sa amin na nasa PLM na daw sila, so dun na kami dumeretso. Ayun, endi nman pala galit si Ma'am, hehehe...yung mga dinala namin na mga damit at konting cash eh binigay na namin,..umabot ng 125 bags ang nabalot na mga groceries at mga damit, doble nung nakaraang taon...at in fairnes, me mga handa ng pangaroling ang mga kasama ngayon, me mga music instrument na din, endi na magagasgas mga kamay sa kakapalakpak. At higit sa lahat me sasakyan na na magdadala nung mga bags..hehehe...sobrang improvements.
First stop namin is sa may Malate, then sa may Luneta at sa malapit sa Manila Zoo. Grabe, buti na lang madami kami nabalot ngayon kasi parang mas dumami mga in need sa kamaynilaan.
Nakakatuwang isipin na kahit hindi ganun kagaganda boses namin eh natutuwa pa din sila sa mga kanta namin. Pag nilalapitan namin sila, sinasabi namin na kakantahan namin sila ng mga christmas songs at sana eh pakinggan lang nila kami. Merong iba na pumapayag pero merong iba na ang akala eh naghihintay kami ng pera na iaabot nila. Parang gusto nila sabihin na bakit sila pa ang pangangarolingan namin eh nasa kalasada nga sila diba. Pero ayun, mga mga tao pa din na gusto pa din kami pagbigyan sa passion naming kumanta at dahil dun me reward sila...hehehe...
...kainitan ng araw pero parang balewala yun sa lahat, sige kami sa pagsuyod sa mga lugar na alam namin na merong mga taong nangangailangan ng aming magandang boses..hehe...although mahirap sya, masaya pa din. Dinadaan na lang namin sa mga patawa at kung anu-anong bagay.
...sa aming paglalakbay, ibat-ibang klase ng mga tao ang mga nahahanap namin, pero lahat sila iisa ang kalagayan, nakatira sila sa kalsada, walang permanenteng lugar na masisilungan, walang matitinong damit, at hindi alam kung saan ukunin ang ilalaman sa kanilang tiyan.
...kahit minsan lang maranasan nila ang tunay na diwa ng Pasko, at iyon ay ang pagbibigay ng walang hinihingin kapalit at ang taos sa pusong pagmamahal sa ating kapwa...
...sa experience na to, mare-realize mo kung ganu ka ka-bless. Mararamdaman mo din dito ang fulfillment na kahit sa maliliit na paraan eh nakakatulong ka sa mga taong higit ang pangangailangan sayo...
...next year, mangungulit ulit ako ng mga officemate para sa mga lumang damit, tapos uulitin ko ulit ang pangangaroling kahit wala sa tono at higit sa lahat, uulitin ko ulit ang magparamdam ng tunay na diwa ng pasko...
No comments:
Post a Comment